Hiling na seguridad at pag-unlad ng IPs sa Surigao del Sur, siniguro ng 4ID PH Army

Hiling na seguridad at pag-unlad ng IPs sa Surigao del Sur, siniguro ng 4ID PH Army

IPINANGAKO ng 4th Infantry Division ng Philippine Army na kanilang tutugunan ang mga hinaing at mga ninanais na pag-unlad ng mga katutubo sa buong pamayanan at sa loob ng ancestral domain.

Ayon kay 4ID Commander MGen. Jose Maria Cuerpo II, maliban sa pagbibigay ng pangmatagalan na solusyon sa mga problema ng mga katutubo ay kanila rin ibabalik ang tiwala ng mga katutubo sa mga sundalo.

Ang naturang pahayag ni Gen. Cuerpo ay ginawa kasabay ng pakikipagpulong nila kasama ang mga IP leaders na ginanap sa headquarters ng 4th ID sa Camp Evangelista Brgy. Patag Cagayan de Oro City kasama rin ang mga miyembro ng National Commission on Indigenous People sa Region 10 at 13.

Samantala, kaugnay nito ay ikinatuwa ng mga katutubo sa Surigao del Sur ang pagkasawi ng notorious na communist terrorist group (CTG) leader na si Emanuel Balano Anub Sr. o kilala bilang Salem.

Ayon kay Datu Jimmy Guinsod, ang Provincial Indigenous Peoples Mandatory Representative ng Surigao del Sur, na hindi matatawaran ang kanilang nararamdamang tuwa at saya nang nabalitaang nasawi sa engkuwentro ang lider ng CTG group dahil ito aniya ang sumira sa kultura ng mga katutubo sa kanilang lugar.

Follow SMNI NEWS in Twitter