Hiling ng China na alisin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal, hindi papansinin ng Pilipinas

Hiling ng China na alisin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal, hindi papansinin ng Pilipinas

“WE will not give up BRP Sierra Madre”, ang matapang na pahayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kasunod ng hiling ng China na alisin ang nakaistasyong barko na BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Ayon sa pag-aaral ng China, nakasisira umano sa marine ng Ayungin Shoal ang nasabing barko na 25 taon nang nakahimpil sa nasabing isla.

Sa panayam ng media sa Camp Aguinaldo, sinabi ni Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad na wala silang balak na sumunod sa mungkahi ng China bagkus mananatili pa rin ang BRP Sierra Madre sa lugar bilang simbolo ng soberaniya nito sa isla.

Ito rin ang tinuran ng pamahalaan na wala silang anumang isla o lugar sa bansa na ibibigay sa China o sa kanino mang bansa kasabay ng pangako na proprotektahan nito ang kapakanan at seguridad ng mga Pilipino.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble