NANANAWAGAN ng suporta sa gobyerno si Ernesto Cabigting ng agri-farmer sector sa PEOPLE’s SONA sa Liwasang Bonifacio sa Maynila ngayong araw, Sabado Hulyo 20, 2024.
Dama sa kaniyang pagsasalaysay ang malungkot nilang sitwasyon bilang mga mahihirap na mga magsasaka.
Sinabi ni Cabigting na silang mga magsasaka ang lumilikha ng pagkain sa araw-araw ngunit hindi yata sila nakikita ng ating pamahalaan.
Kaya ang sigaw nito sa mga kababayang Pilipino na huwag nang magpadala sa bulok na propaganda sa susunod na halalan.
Sila aniyang nasa farmer sector ay maliwanag na biktima ng mga pangako noong halalan.