Mahigit 90 katao, patay sa matinding pagbaha sa Europa; dose-dosena ang nawawala

Mahigit 90 katao, patay sa matinding pagbaha sa Europa; dose-dosena ang nawawala

PATAY ang ang mahigit 90 katao habang dose-dosena pa ang nawawala dahil sa matinding pagbaha na dulot ng malakas na ulan na naging sanhi ng pagbagsak ng mga bahay sa Germany and Belgium.

I grieve for those who have lost their lives in this disaster,” pahayag ni German Chancellor Angela Merkel.

“We still don’t know the number. But it will be many,” dagdag nito.

Ipinangako ni Merkel na gagawin nito ang lahat ng makakaya upang hanapin ang mga nawawala dulot ng matinding pagbaha.

Sa ulat ng mga awtoridad ng Western German Region ng Euskirchen,  walo ang namatay mula sa nangyaring insidente.

Sa southwest region ng Cologne, natigil ang rescue operation na dulot ng pagkawala ng linya ng telepono at internet sa lugar.

Naitala namang nasa 18 katao ang nasawi sa Ahrweiler County sa timog ng Euskirchen habang 70 katao naman ang naiulat na nawawala matapos gumuho ang maraming mga bahay sa Schuld sa Eifel region.

Nailigtas ang dose-dosenang mga tao mula sa bubong ng kanilang mga bahay sa pamamagitan ng inflatable boat at helikopter.

Nagpakalat na rin ng daan-daang mga sundalo ang pamahalaan ng Germany upang tumulong.

“There are people dead, there are people missing, there are many who are still in danger,” ayon kay Rhineland-Palatinate Governor Malu Dreyer.

“We have never seen such a disaster. It’s really devastating,” aniya pa.

Ayon sa pulisya, apat katao ang nasawi sa kanilang basement sa magkakahiwalay na insidente matapos ang pagbaha sa Cologne, Kamen and Wuppertal.

Samantala sa Belgium, umapaw ang Vesdre River sa mga lansangan ng Pepinster, malapit sa Liege.

“Several homes have collapsed,”pahayag ni Mayor Philippe Godin.

Hindi aniya malinaw kung ang lahat ay nakaligtas nang hindi nasaktan sa nangyaring paghagupit ng baha.

Naitalang apat ang nasawi sa silangang Verviers sa nasabing sakuna.

Nakaranas din ng pagbaha ang mga pangunahing hi-way  sa timog at silangang bahagi ng bansa at iniulat na itinigil ang  operasyon ng lahat ng mga tren.

Nangako naman si European Union Commission President Ursula von der Leyen na tumulong.

“My thoughts are with the families of the victims of the devastating floods in Belgium, Germany, Luxembourg and the Netherlands and those who have lost their homes,” ayon sa kanyang tweet.

SMNI NEWS