SINABI ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa na dapat gawin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mandato nila na ‘yung kanilang pondo ay hindi nagagamit sa pamumulitika.
“Dapat gawin ng DSWD ang mandato nila na ‘yung kanilang pondo ay hindi nagagamit sa pamumulitika.”
“Sila ang mag-iimplementa niyan, pero kung ganoon pa rin ang gagawin nila na kaninong bahagi ng pondo ng congressman o senador ‘yung ayuda funds na ‘yan, like AKAP, sila pa rin ang mamimili ng mga taong bibigyan, at ‘yung supporters lang nila ang mabibigyan ng pondo na ‘yan.”
“So, dapat the moves (is) upon the DSWD na hindi sila magamit sa pamumulitika,” pahayag ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa.