Hindi kataka-taka ang pagtaas ng 11.8% ng GDP ng bansa —Salceda

Hindi kataka-taka ang pagtaas ng 11.8% ng GDP ng bansa —Salceda

INIHAYAG ni Albay 2nd District Representative Cong. Joey Salceda na hindi kataka-taka ang pagtaas ng 11.8% ng Gross Domestic Product (GDP) ng bansa dahil sa pagbagsak ng 17% GDP noong nakaraang taon.

“Di ko naman sinasabi na dead cat bounce, mas masama kung ‘di ito tumalon dahil sa lalim na nga po ng bagsak, mababa ‘yung base, mas madali mapatungan”,  ani Cong.  Salceda

Bukod pa rito, sinabi ni Salceda na bumagsak ng 22% ang manufacturing ng bansa noong nakaraang  taon at bumangon ng 21% naman ngayong taon.

“Pero ‘yung services, at nandito po lahat ng mga SME’s, wholesale, retail, trade, bumagsak ng 17% last year, pero ngayon nakabangon lang ng 9.6%”, ani Salceda

Kaya naman, ayon kay Salceda hanggang ngayon ay may sugat pa ang ekonomiya dahil sa COVID-19 pandemic.

 

SMNI NEWS