Hindi na pagsusuot ng face mask, posible bago magpasko

Hindi na pagsusuot ng face mask, posible bago magpasko

TIWALA pa rin ang Department of Health (DOH) na makakamit ng bansa ang herd immunity kapag nagtuloy-tuloy na ang pagdating ng suplay ng mga bakuna laban sa COVID-19.

Mismong si Health Secretary Francisco Duque III ang nagsabi na kung makakarating sa bansa ang 15 million doses ng bakuna kada buwan ay tiyak na hindi maaantala ang programa ng pamahalaan sa malawakang pagtuturok ng bakuna.

Inaasahan anya na simula sa Hulyo hanggang sa Disyembre ay sunud-sunod at dadagsa na ang suplay ng mga bakuna kaya posible anya na tuluyan na nating makakamit ang herd immunity.

Dahil diyan ay asahan na anya na sa pagdiriwang ng pasko ay malaki na ang posibilidad na hindi na kailangang magsuot ng face mask ang mga Pilipino.

Samantala, binigyan diin ng Malakanyang ang pagsuot pa rin ng face shield ngayong may banta ng Delta variant.

Mas mainam pa rin na magsuot ng face shield para sa sariling proteksyon at ng pamilya.

Ayon kay presidential spokesman harry roque, alam nilang mahirap talaga ang pagsuot ng face shield subalit kailangang paniwalaan ang dalubhasa sa larangan ng medisina at siyensya lalo pa’t mayroong bagong Delta variant ng COVID-19.

Base umano sa pag-aaral lumalabas na ang pagsusuot ng face shield ay makagpagbibigay ng 78% na proteksyon laban sa impeksyon.

(BASAHIN: “Maximum tolerance” sa face mask violators, ipatutupad pa rin ng QC)

SMNI NEWS