HINDI big deal sa Department of Justice (DOJ) ang hindi pagbanggit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa kaniyang State of the Nation Address (SONA) ang usapin sa International Criminal Court (ICC).
Sa pahayag ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla, hindi na kailangan pang banggitin ng Pangulo ang pagpapatuloy ng ICC sa kanilang imbestigasyon sa umano’y drug war killings sa bansa.
Ito ay dahil nanatili pa rin ang panindigan ni Pangulong Marcos at ng DOJ na hindi pa rin makikipag-cooperate ang pamahalaan sa ICC.
Pero nilinaw ni Remulla na bukas pa rin ang Pilipinas sa pakikipag-usap sa ICC hangga’t hindi nito pakikialaman ang internal affairs ng bansa.