Hindi pagbayad ng COMELEC ng P90-M sa Smartmatic, pinaburan ng ilang senador

Hindi pagbayad ng COMELEC ng P90-M sa Smartmatic, pinaburan ng ilang senador

INAYUNAN ng ilang senador ang hindi muna pagbayad ng Commission on Elections (COMELEC) sa Smartmatic kasunod ng data breach sa service provider.

Sa Senate hearing kahapon ay ipinaalam ni COMELEC Saidamen Pangarungan na hinarangan nito ang payment o bayad ng poll sa kanilang software provider na Smartmatic.

Ito raw ay hanggat hindi sila kumbinsido na inosente ito sa data leak na gawa ng kanilang dating empleyado.

Para sa ikatlong tranch, P90-M ang dapat bayaran ng COMELEC na nag-due pa noong nakaraang buwan.

Si Senate President Tito Sotto III, suportado nito ang lahat ng hakbang ng COMELEC para matiyak ang isang tapat at malinis na halalan.

“Comelec is calling the shots. They must know what they’re doing. I support any moves to assure clean, honest and orderly elections,” pahayag ni Sotto.

Si Sen. Bato Dela Rosa na aktibo sa campaign sorty ng BBM Sara, suportado ang hakbang ng COMELEC basta ito raw ay enforceable sa ilalim ng terms and conditions ng kanilang kontrata.

“I support the COMELEC if such requirement is enforceable under the prevailing terms and conditions of their contract,” ani Dela Rosa.

Si Senator Bong Go sa isang interview, hindi raw pakikialaman ang desisyon ng COMELEC.

Si Senator Imee Marcos, sinabi nito baka makasama sa eleksyon ang hindi pagbayad ng COMELEC.

Dahil dito panawagan naman ni Go, na long time aide ni Pangulong Duterte sa COMELEC, huwag magpabaya sa trabaho.

Follow SMNI News on Twitter