Hindi pagkakabilang ng China sa travel ban ng bansa, ipinaliwanag ng Palasyo

IPINALIWANAG ng Palasyo ng Malacañang ang hindi pagkakabilang ng China sa ipinatupad na travel ban ng Pilipinas.

Ani Presidential spokesperson Harry Roque, hindi isinama sa travel watchlist ng Pilipinas ang mga bansang hindi pa kumpirmado ng international agencies na mayroong kaso ng bagong COVID-19 variant.

Anito ang mga lumalabas na ulat hinggil sa naitalang bagong variant ng COVID-19 sa China ay tanging mga media reports lamang.

Ayon sa kalihim, kailangan munang beripikahin ng World Health Organization (WHO) ang mga ulat kaugnay ng mga umano na itatalang bagong variant sa iba’t ibang bansa.

Pagtitiyak ni Roque, kung mayroon nang kumpirmasyon ay isasama ito sa listahan ng travel ban.

Gayunman, nakadepende pa rin aniya ito sa joint recommendation na ilalabas ng Department of Health (DOH) at Department of Foreign Affairs (DFA).

Sa ngayon ay nasa 27 na mga bansa ang kabilang sa listahan ng travel restriction sa Pilipinas.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.