Hinihinalang terorista arestado sa Zamboanga City

Hinihinalang terorista arestado sa Zamboanga City

DALAWANG suspek ang napasakamay ng mga awtoridad sa isinasagawang operasyon nito sa Zamboanga City.

Ang dalawang personalidad ay hinihinalang mga terorista matapos na masamsam ang iba’t ibang sangkap sa paggawa ng mga Improvised Explosive Device (IED) sa posisyon nito.

Batay sa imbestigasyon, kinilala ang mga suspek na sina alyas Arjemhar at Gamar.

Narekober mula sa mga suspek ang 2,000 piraso ng blasting caps, 2,000 piraso ng improvised non-electric blasting caps, 3 rolyo ng safety fuse commercial, 5 bag ng hinihinalang TNT, at 2 piraso ng spool light pink detonating cord.

Ayon sa CIDG, tuloy ang kanilang kampanya kontra terorismo katuwang ang publiko at iba pang law enforcement units sa bansa.

Kakasuhan ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9516 o Illegal Possession of Explosives, Omnibus Election Code o ang paglabag sa umiiral na gun ban at iba pa.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble