Hiring sa trabaho ng K-12 graduates, ipinanawagan ni VP Sara sa business sector

Hiring sa trabaho ng K-12 graduates, ipinanawagan ni VP Sara sa business sector

POSITIBO ang tugon ng business sector sa panawagan ni VP Sara Duterte na immediate hiring sa mga produkto ng K-12 program.

Guest of honor nitong Miyerkules si VP Sara sa 48th PH Business Conference and Expo ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) sa Manila Hotel.

Ang naturang pagtitipon ay dinaluhan ng mga negosyante sa buong bansa.

Suportado naman ng PCCI ang mga programa ng Marcos administration.

“Unang-una po, nagpapasalamat kami ni Pangulong Marcos sa tulong ninyo sa kampanya at eleksyon namin noong nakaraang May 2022 elections,” pahayag ni VP Sara.

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ng bise-presidente at Education secretary ang kahalagahan ng tulong ng business sector sa job generation.

Ang malaking event ngayong araw ng PCCI ay tanda ng pagtulong ng business sector sa pamahalaan.

“Efforts like these compliments the government’s efforts to bring about growth and development across the country. And benefit all sectors, especially the privileged and those lacking economic opportunities, access to livelihood and employment,” ayon kay VP Sara.

Ngunit sa bandang dulo ng kanyang talumpati, ipinunto ni VP Sara ang isyu ng diploma mentality sa bansa kung saan ay hinahanapan ng diploma ang isang aplikante sa pag-aaply ng trabaho.

Kapag walang diploma, alanganin ang isang aplikante na matanggap sa ina-aplayan at sa K-12 program.

Aminado ang ikalawang pangulo na maraming dapat ayusin dito para makapagtrabaho agad ang K-12 graduates.

“Na kailangan ba graduate ng 4 years ng college ang mga ini-employ ng ating industries. And the Department of Education is currently working on how to make our grades 11-12 ready for work and are skill ready when they graduate from the K-12 program,” ani VP Sara.

Kasabay niyan ay nanawagan si VP Sara business sector na i-hire sa trabaho ang mga produkto ng K-12.

“Well, dili lang tagaan but consider them for immediate employment because right now our situation is that our graduates of the K-12 program are not immediately employable so we’re working on that and when we are okay and they are ready, we seek the support of course of all the chambers of commerce not just yung sa national,” ayon kay VP Sara.

Positibo naman ang tugon dito ng PCCI.

“Yes of course. We are in tandem with the planning of Vice President Sara of training and education at saka job opportunity,” pahayag ni George Barcelon, president ng PCCI kaugnay sa commitment nito sa nasabing programa.

Sa tingin naman ni VP Sara, hindi pa muna mangyayari ngayong school year ang massive hiring ng K-12 graduates dahil aayusin pa nila ang programa.

Ngunit positibo ito sa agarang tugon ng PCCI nang pagsuporta sa kanyang panawagan na immediate hiring sa K-12 graduates.

Follow SMNI NEWS in Twitter