SUSUPORTAHAN ng Kamara ang mga hakbang para dagdagan ang 2024 proposed budget para sa Defense capabilities ng bansa.
Ito’y para protektahan ang sovereign rights ng bansa matapos bombahin ng water cannon ng Chinese Coast Guard ang isang barko ng Pilipinas.
Ayon kay Speaker Martin Romualdez, kaisa ang Kamara sa ‘commitment’ ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na protektahan ang ‘territorial integrity’ ng Pilipinas laban sa anumang banta.
“As a nation, we must take proactive measures to enhance our defense capabilities and ensure that we have the necessary resources to effectively protect our sovereign rights,” ani Romualdez.
Sa 2024 proposed budget, nasa P282.7-B ang magiging pondo sa defense sector o 21.6% na pagtaas kumpara sa P203.4-B budget ngayong taon.
Ayon sa budget message ni Pangulong Marcos, susuportahan ng 2024 budget ang Land, Air, and Naval Forces Defense Programs ng pamahalaan sa P188.5-B.
Pati na ang UN Peacekeeping Mission para tiyakin ang domestic security ng bansa.