Umaasa ang mga hog raisers para sa deklarasyon ng state of emergency sa buong bansa upang mapigilan ang pagkalat ng African Swine Fever (ASF).
Sinabi ni National Federation of Hog Farmers Inc. President Chester Warren Tan na suportado nila ang panawagan ng mga senador para sa deklarasyon ng state of emergency dahil dapat aniyang may sapat na pondo para sa recovery program ng hog industry sa bansa.
Ipinanawagan ito ng Senate Committee on Agriculture and Food dahil sa 50 bilyong pisong pagka lugi ng local hog industry bunsod ng ASF.
Iginiit ni Tan na sa Luzon pa lamang ay 70% na ng industriya ang apektado na ng ASF.
At nais nila na kahit na wala pang gaaanong pinsala ang hog industry sa Visayas at Mindanao ay isama na rin ang mga rehiyong ito sa state of emergency upang mabigyan ang mga apektadong hog raisers ng pondo.