Hog raisers umaasang aakuin ng gobyerno ang gastos sa pagbabakuna sa mga baboy vs ASF

UMAASA ang mga hog raisers na sasagutin ng pamahalaan ang gastos sa pagbabakuna sa mga baboy laban sa African Swine Fever (ASF) sa sandaling maging matagumpay ang trials nito.

Ito ay sa kabila ng hinihintay na deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na state of calamity dahil sa ASF outbreak na siyang dahilan kaya bumagsak ang suplay at tumaas ang presyo ng karne.

(BASAHIN: Hog raisers, umaasa sa state of emergency dulot ng ASF)

Ayon kay National Federation of Hog Farmers Inc. Pres. Chester Tan, malaking tulong kung gobyerno na rin ang aako sa pagbabakuna sa mga natitirang baboy sa bansa pagkatapos ng trials.

Ayon kay Agriculture Usec. Noel Reyes aabutin ng mahigit 2 buwan ang trial para sa bakuna kontra sa ASF na sinimulan  sa 10 commercial farms sa Luzon at inaasahang magkakaroon ng assessment kung epektibo pagkaraan ng 48 araw.

Una nang sinabi ni Agriculture Sec. William Dar na bumababa na ang kaso ng ASF sa mga baboy sa bansa.

SMNI NEWS