IPAGBABAWAL ng bansang Hong Kong ang paggamit ng cannabidiol (CBD) epektibo simula sa susunod na taon.
Ayon sa Hong Kong government ilalagay ang CBD sa parehong kategorya ng heroin, cocaine at methamphetamine.
Mahaharap naman sa mabigat na parusa at pagkakakulong ang mahuhuling gumagamit nito.
Ang cannabidiol ay isang phytocannabinoid na mala-kristal, na matatagpuan sa cannabis at abaka na minsan ito ay ginagamit na panggamot.
Ang hakbang na ito ay inaasahang magpupuksa sa mga negosyo sa Chinese Finance Hub na hanggang ngayon, ay nakapagbebenta ng mga produktong CBD-infused gaya ng mga beer, kape at mga gamot.