Hong Kong, luluwagan na ang border nito para sa Chinese travelers at vice versa

Hong Kong, luluwagan na ang border nito para sa Chinese travelers at vice versa

SIMULA January 8, 2023 ay luluwagan na ng Hong Kong ang kanilang border at makakapasok na sa kanilang teritoryo ang Chinese travelers at vice versa.

Sa pagluluwag, aabot sa 50k residente ng Hong Kong ay maaaring magpa-register online para makatawid sa border nito sa pagitan ng China.

May 10k indibidwal din ang maaaring tumawid sa pamamagitan ng dagat, himpapawid at mga tulay na hindi na kinakailangang magpa-register online.

Hindi na rin kailangan pang sumailalim sa mandatory quarantine.

Tanging kailangan lang ay ang magpakita ang mga ito ng negative nucleic acid test result na kinuha 48 oras bago ito umalis sa pinanggalingan.

 

 

Follow SMNI News on Twitter