Hong Kong, magbibigay ng smart bracelet para sa mga pasyenteng sumasailalim sa home isolation

Hong Kong, magbibigay ng smart bracelet para sa mga pasyenteng sumasailalim sa home isolation

ISINUSULONG ng gobyerno ng Hong Kong ang pagsusuot ng smart bracelet para sa mga pasyenteng sumailalim sa home isolation.

Sisimulan na bukas Hulyo 15, ang pagsusuot ng smart bracelet sa mga nagpositibo ng COVID-19 na nakaisolate sa kanilang pamamahay.

Upang mahadlangang makalabas ang COVID-19 patients sa kanilang tahanan, naglunsad ng bagong sistema ang pamahalaan ng Hong Kong sa pamamagitan ng paggamit ng smart bracelet at bagong leave home app na magiging pula ang color-code sa  healthcode system ng Hong Kong.

Kapag ang isang infected person ay nakatanggap na ng second doze shot, at ang resulta ng kanilang antigen test ay negatibo sa loob ng ika-anim o ika-pitong araw ay maari na itong lumabas sa home quarantine.

Ayon sa kalihim ng pangkalusugan na si Lo Chung Mao ang red-code ay para sa taong nagpositibo, ang  yellowcode naman ay para sa mga high-risk na grupo kabilang na dito ang overseas arrivals.

Ang greencode naman ay nagpapahiwatig na nasa maayos ang kalagayan ng mamamayan.

Dagdag pa nito, isinasagawa na ng mga otoridad ang color-coded system sa leave home safe sa mobile app na nakarehistro sa polisiyang real name registration o sim registration.

Samantala, sinabi pa ni Lo, nais ng mga otoridad na magsagawa ng tiyak na pamamaraan sa laban sa pandemya upang  maiwasang magmulta ng malaki ang mga residente.

 

Follow SMNI News on Twitter