Hong Kong, nasungkit ang ika-5 medalya sa Tokyo Olympics

Hong Kong, nasungkit ang ika-5 medalya sa Tokyo Olympics

NASUNGKIT ng women’s Hong Kong athletes ang ika-5 medalya sa table tennis kahapon sa 2020 summer Tokyo Olympics.

Matapos ang laban nito kontra Germany na si Shan Xiaona, Petrissa Solja and Han Ying sa iskor na 3-1, ito ang ika-5 medalya na nasungkit ng Hong Kong athletes.

Ang kanilang kontribusyon ay nakamarka sa pang-apat na medalya ng Hong Kong sa pangkalahatan.

Ito ay karagdagang  karangalan sa kanilang paglaro bilang pinakamatagumpay na lungsod hanggang ngayon matapos na masungkit ni Cheung Ka-long ang ginto sa indibidwal na foil ng kalalakihan at manlalangoy na si Siobhan Haughey na dalawang pilak na medalya din ang nasungkit nito sa Tokyo Olympics.

Kinilala ang tatlong manlalaro na sina Doo Hoi-Kem, Lee Ho-Ching at Minnie Soo Wai-yam.

Ang kanilang pagka panalo ay nagmamarka ng pangalawang medalya ng lungsod sa table tennis, matapos manalo ng pilak ang kanilang coach na si Li Ching kasama si Ko Lai-chak noong 2004 Athens Olympics.

Ayon sa kanilang coach nasi Li Ching, hindi basta-basta ang pinagdaanang training ng mga atleta kaya sulit ang pagkapanalo nito.

“I’m so happy that my team can earn Hong Kong a medal. I’m really proud of them and I want to thank all Hong Kong people for their support… We’ll continue to work hard and perform our best to strive for good results in the future,”ayon kay coach Li Ching.

Samantala, isang ginto, dalawang pilak at dalawang tanso na ang nakamit ng Hong kong athletes sa 2020 Tokyo Olympics.

SMNI NEWS