Hontiveros nais na maparangalan sa Senado si Maria Ressa, tinutulan ng isang senador

Hontiveros nais na maparangalan sa Senado si Maria Ressa, tinutulan ng isang senador

DIRETSAHANG sinabi  ni Senator ‘Bato’ dela Rosa ang na hindi nito susuportahan ang resolusyon para kay Maria Ressa na inihain ng minority group sa Senado.

Inihain ng minority group sa Senado ang resolusyon para pagkalooban ng Senate Medal for Excellence si Maria Ressa matapos itong makatanggap ng parangal sa Nobel Peace Prize.

Ang Resolution No. 927 ay inihain ni Senator Risa Hontiveros at nilagdaan din nila Senate Minority Leader Franklin Drilon at ang nakakulong na si Sen. Leila de Lima.

“Hindi ako papayag na magamit ang Senado para sa ganoong kalokohan, ah I take it as an insult, i-proclaim mo yung ginawa ni Maria Ressa? for what?, for ah fighting ah press freedom? why? is press freedom cartel in this country,?” pahayag ni Senator Dela Rosa.

 

Senator 'Bato' dela Rosa on SMNI News Exclusive interview
Senator ‘Bato’ dela Rosa on SMNI News Exclusive interview

Giit pa ng senador, na ang lahat ng mamamahayag sa bansa ay na nabibigyan ng kalayaan sa kanilang pamamahayag.

Sinabi rin nito na dahil sa sobrang kalayaan na tinatamasa ng mga mamamahayag ay nagagawa pa ng iba na bastusin ang mismong Pangulo ng bansa.

 

SMNI NEWS