Hontiveros, nais pasagutin si Duque sa mga anomalya ng PhilHealth

Hontiveros, nais pasagutin si Duque sa mga anomalya ng PhilHealth

ISA si Health Secretary Francisco Duque sa dapat magpaliwanag ng maigi ukol sa mga alegasyon ng korupsiyon sa PhilHealth ayon kay Senator Risa Hontiveros.

Sa naging pagdinig ng Senado kahapon sa mga anomalyang kinakaharap ng ahensiya, hinikayat ng mambabatas ang Senado na imbitahan si Duque para makwestyon.

Punto ni Hontiveros nanungkulan na si Duque sa loob ng 20 taon sa PhilHealth at kasalukuyang nasa kaniyang ikalawang termino sa pagiging chairperson ng Board of PhilHealth.

Dagdag pa ng senadora, imposibleng walang alam ang sekretarya sa bulok na sistema sa loob sa haba ng panahon nitong nanungkulan.

Aniya, kung nais na malinis ang loob ng ahensiya ay kailangang balikan ang taong 2001 kung saan naging presidente si Duque ng PhilHealth.

Samantala, nagpapatuloy naman ngayon ang ikalawang pagdinig ng Kamara sa isyu pa rin ng umano’y anomalya sa loob ng PhilHealth.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.