IPINAGDIWANG ni Hoshi ng SEVENTEEN, ang kanyang 29th birthday sa pamamagitan ng pag-release ng music video ng kanyang single na “I Want You Back.”
Co-composed ng K-pop star ang track kasama ang mga idol na sina Bir$day at Shannon Bae.
Regalo niya rin daw ito sa fans na sumuporta sa kanyang journey sa industriya. Hindi rin nakalimutan ng fans na ipaabot ang kanilang pagbati para kay Hoshi sa kanyang social media account.
Nag-debut siya noong 2015 bilang miyembro ng SEVENTEEN na kinilala bilang one of the most popular boy band ng South Korea. At ipinagdiwang din nila kamakailan ang kanilang 10th anniversary kasabay ang pag-release ng “Happy Burstday” bilang 5th album.
Naka-set na rin ang kanyang fan concert tour sa Seoul ngayong July, kasama ang co-member na si Woozi.