Hospital occupancy sa NCR, malapit na sa critical level —UP OCTA

MALAPIT na sa critical level ang hospital occupancy sa National Capital Region (NCR) ayon sa inihayag ng University of the Philippine OCTA Research professor Guido David sa panayam ng SMNI News.

“Ngayon sa NCR, lumagpas na siya ng 70% sa ICU occupancy, ‘yung bed occupancy nasa 66%. So ibig sabihin, malapit na sa criticla level,” pahayag ni David.

Ani Prof. David, marami na sa mga ospital ng NCR ang puno na at ang iba ay nagre-reassign na ng mga kaso sa ibang bahagi ng Luzon.

“Nao-overwhelm na rin ang mga doctors and nurses, mga frontliners. And totoo ‘yan kahit ‘di base sa datos ‘pag pumunta mga tao sa ospital, may mga kapatid ako ang mga doctors, ‘yan din ‘yung sinasabi nila, “this is worst than last year,” ani David.

Isolation facilities sa NCR, 78% nang okupado

Samantala, okupado na ang nasa 78% ng isolation facilities sa National Capital Region (NCR).

Ito ang inihayag ni Health Undersecretary Leopoldo Vega, isang araw matapos ipatupad ang NCR Plus Bubble policy sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal hanggang Abril 4 dahil sa pagtaas ng COVID-19 cases.

Kabilang sa isolation facilities ang mga quarantine hotels at temporary treatment and monitoring facilities (TTMF).

Ayon kay Vega, dapat unahin ang pagdagdag sa isolation facilities dahil ito ang first line of defense para sa mga mild at asymptomatic cases.

Last line of defense naman aniya ang mga ospital para sa mga moderate at severe cases.

(BASAHIN: Mga ospital sa Metro Manila, maaaring nang umabot sa full capacity sa Abril —OCTA)

SMNI NEWS