Hot pursuit operation, inutos ni Gen. Carlos laban sa mga suspek na nambomba sa isang bus sa Maguindanao

Hot pursuit operation, inutos ni Gen. Carlos laban sa mga suspek na nambomba sa isang bus sa Maguindanao

INUTOS ng Philippine National Police (PNP) Chief Police General Dionardo Carlos ang Bangsamoro Police upang magsagawa ng hot pursuit operations laban sa mga suspek na nasa likod ng pambobomba sa Parang, Maguindanao.

Inatasan din ni Carlos si Bangsamoro Regional Director Police Brigadier General Arthur Cabalona para mas lalong paigtingin ang pagbabantay sa checkpoints, police patrols, magtalaga ng intelligence at pag-ibayuhin pa ang law enforcement operations para mahanap ang mga suspek.

Samantala, nakikisimpatya si Carlos sa mga nasugatan.

Tiniyak din ni Carlos na mabibigyan ng hustisya ang mga sugatan.

Sa ngayon, nire-review na rin ng PNP ang CCTV para matukoy ang mga suspek.

Magugunitang, isang improvised explosive device (IED) ang natagpuan sa likod na bahagi ng isang bus na papunta sa Dipolog City mula sa General Santos City bandang alas 6:40 ng umaga nitong linggo.

Nakita rin ng PNP ang pangalawang IED sa loob ng bus.

Ayon sa PNP, 4 sa 23 na mga pasahero ang nasugatan at 2 sa mga ito ay nakalabas na ng ospital at 2 ang stable na ang kondisyon sa Cotabato Regional and Medical Center.

Follow SMNI NEWS in Twitter