Hotlines para sa mga katanungan kaugnay sa COVID-19 vaccines, inihanda ng Manila LGU

INIHANDA na ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang Manila COVID-19 Vaccine Action Center o MCVAC sa lungsod.

Ayon kay Manila City Health Officer Dr. Arnold ‘Poks’ Pangan ginawa ang naturang action center o hotline ng Manila LGU na naglalayong matugunan ang mga katanungan ng mga residente ng Maynila hinggil sa bakuna kontra COVID-19

Ayon sa opisyal, ang ginawang hotline ay bahagi pa rin ng paghahanda ng pamahalaan ng lungsod sa pagtanggap na mga bakuna konta COVID -19 na inilaan para sa halos isang milyong Manilenyo.

Maaaring rin mag-assist ang action center sa mga caller na nais magparehistro hinggil sa COVID-19 vaccines, aalalayan ng mga tauhan ng MHD ang mga caller sa pamamaraan ng pagbabakuna mula unang hakbang hanggang sa mabakunahan ang mga ito.

Hinihikayat ng Manila LGU ang publiko na tumawag lamang sa MCVAC sa numero 0927-351-0849, 0915-703-0621, 0968-572-1975 or 0961-020-2655 kaugnay sa vaccination program ng pamahalaan.

Una na rin sinabi ni Manila City Mayor Isko Moreno na mayroon nang inihanda ang Manila LGU ng 18 vaccination sites sa lungsod na karamihan ay mga pampublikong paaralan sa lungsod.

Target naman ng lokal na pamahalaan na makapagbakuna ng 1,000 bawat araw.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.