House Committee on Youth and Sports, nais magkaroon ng PH National Games

House Committee on Youth and Sports, nais magkaroon ng PH National Games

NINANAIS ng House Committee on Youth and Sports Development na magkaroon ng Philippine National Games, isang beses bawat dalawang taon.

Ito ang dahilan kung kaya’t aprubado na ang panukala hinggil dito sa kanilang komite.

Sa panukala ay layunin nilang magkaroon ng P200-M na yearly budget para sa nabanggit na national games.

Saklaw ng magiging pondo ang logistics, equipment, rental ng venues, incentives at rewards para sa mga Pilipinong atleta.

Salungat lang ang Department of Budget and Management (DBM) dito dahil kailangan anilang idaan ang paglalaan ng pondo sa isang programa o proyekto sa tamang budgeting process.

Samantala, maliban pa dito, ang hiwalay na panukalang naglalayong mapatatag ang local sports program sa bansa upang mas mai-develop pa ang talento ng mga kabataang atleta ay gumulong na rin sa komite.

Maliban sa pagpapatatag ng local sports program ay layunin din ng panukala ang magkaroon ng training fees, pagpapaunlad ng sports facilities, at iba pa.

Sa hiwalay pang panukala ay nais naman ng nabanggit na House Committee na mapreserba ang indigenous games sa Pilipinas.

 

Follow SMNI News on Twitter