NAKIKIRAMAY sa pamilya Biazon ang House Committee on Defense and Security sa pagpanaw ni former Congressman and Senator Rodolfo ‘Pong’ Biazon.
Ayon kay House Defense Panel Chair at Iloilo Rep. Raul ‘Boboy’ Tupas, isang magaling na sundalo at statesman si Biazon.
Saad ni Tupas na dating nagsilbi bilang sundalo na tanyag at ginagalang si former Senator Biazon sa Philippine Military Academy at Philippine Marines.
Bilang mambabatas, ay ginamit raw ni Biazon ang kaniyang ‘brilliant, strategic and tactical mind’ para maisabatas ang AFP Modernization Act, ang Anti-Trafficking in Persons Act of 2003, Rental Reform Act of 2002 at ang Comprehensive and Integrated Shelter Finance Act.
Lahat raw ng ito ay napakikinabangan hanggang ngayon ng mga Pinoy at hindi lang ng mga aktibo pa sa serbisyo.
‘’He lived long enough to see some of the fruits of his labors, especially at the AFP and in the field of housing and urban development,’’ Ani Tupas.
Sa huli, giit ng mambabatas na habambuhay mananatili ang legasiya ng namayapang senador sa mga Pilipino.