KINUMPIRMA ni House Majority Leader Martin Romualdez na nagpositibo ito sa coronavirus disease 2019 (COVID-19), kagabi, Marso 17.
“Today, I received the result of my RT-PCR test showing that I am positive for COVID-19. I am scheduled to undergo a second test tomorrow to rule out a false-positive result,” pahayag ni Romuadez.
Sinabi ni Romualdez na kasalukuyang siyang naka-isolate at masinsinang minomonitor ng doktor ang kanyang sitwasyon.
“Let me assure those who are concerned with my physical well-being that I am coping well despite experiencing symptoms of the disease, and that I am in high spirits,” ayon kay Romualdez.
Hinikayat naman ni Romualdez ang lahat ng mga nakasalamuha na sumailalim sa RT-PCR testing.
Tiniyak naman nito na babalik kaagad sa serbisyo kapag gumaling na sa sakit.
“Rest assured that I will go back to work and perform my duties as Majority Leader of the House of Representative as soon as I get a clean bill of health from health authorities. Let us continue praying for all those who are afflicted with this disease,” aniya pa.
“Please include in your prayers all those who serve in the frontline to deliver the much-needed services to our people,” dagdag aniya.
Samantala, nagpatupad ang House of Representative ng apat na araw na lockdown sa kanilang tanggapan mula ngayong araw Marso 18 hanggang Marso 21, 2021 bilang pag-iingat mula sa nakaalarmang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.
Gagawin na lamang sa pamamagitan ng Zoom at livestreaming platforms ng mga House Member at mga empleyado ang mga nakatakdang committee meetings, public hearings at iba pang mga kaganapan sa House of Representative sa apat na araw na lockdown nito.
(BASAHIN: House of Representatives, isinailalim sa apat na araw na lockdown)