House of Representatives, isinailalim sa apat na araw na lockdown

ISINAILALIM ni House Speaker Lord Allan Velasco ang buong House of Representatives sa apat na araw na lockdown simula ngayong araw, Marso 18 hanggang sa Marso 21.

Ito ay bilang pag-iingat sa kalusugan at kaligtasan ng mga miyembro at tauhan ng House of Representative mula sa lumalalang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.

“We have decided to place the entire Batasan Complex on a temporary lockdown from March 18 to 21 as a precautionary measure to protect the health and safety of House members and employees in view of the alarming increase in COVID-19 cases in Metro Manila,” ayon kay Velasco.

Muli namang pinaalalahanan ng House leader ang publiko na panatilihing nakasunod sa lahat ng health precaution laban sa COVID-19.

Sa huling datos, Marso 17, umabot na sa kabuuang 12,866 ang nasawi sa 635,698 na nagpositibo sa COVID-19.

“Now, more than ever, it is important to continue to maintain proper physical distancing, and practice good hygiene, as well as wear face mask and face shield,” aniya pa.

“These are small steps that will surely help us in a big way to protect ourselves and our loved ones from contacting the virus as we continue the battle against this deadly disease. So, please don’t let your guard down,” dagdag ni Velasco.

Mananatili naman sa bahay ang lahat ng mambabatas at mga empleyado sa apat na araw na lockdown.

Gagawin na lamang sa Zoom at livestreaming platforms ang mga nakatakdang committee meetings, public hearings at iba pang kaganapan sa House of Representative.

(BASAHIN: House Majority Leader Martin Romualdez, nagpositibo sa COVID-19)

SMNI NEWS