House Speaker Romualdez, nasa likod ng pagbibigay ng P20-M pondo bawat distrito na susuporta sa signature drive—Sen. Imee

House Speaker Romualdez, nasa likod ng pagbibigay ng P20-M pondo bawat distrito na susuporta sa signature drive—Sen. Imee

NAKATITIYAK si Sen. Imee Marcos na ang opisina ng kaniyang pinsang si House Speaker Martin Romualdez ang nasa likod ng umano’y P20-M na alokasyon para sa mga distrito na nakikiisa sa signature drive tungo sa pagkakaroon ng Charter Change (Cha-Cha).

Sa isang interview, kung pagbabatayan lang ani Sen. Imee ang bilang ng staff members at abogado na sangkot, lahat ay magtuturo kay Romualdez.

Matatandaang nauna nang naghain si Sen. Imee ng isang resolusyon kung saan naglalayong magsagawa ng isang inquiry ang Senado hinggil sa umano’y panunuhol upang pumirma ang isang botanteng Pilipino bilang suporta sa People’s Initiative (PI).

Nagkakahalaga ng P100 para sa bawat botante ang umano’y suhol habang bibigyan ng P20-M mula sa government programs ang mga distritong nakamit ang kinakailangang bilang ng mga pumirma bilang pagsuporta sa inaasam na pagbabago sa 1987 Philippine Constitution.

Sa hiwalay naman na interview ay muli itong itinanggi ni Romualdez at sinabi pang maraming marites sa Senado.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble