House to house na pamamahagi ng COVID-19 vaccine, pinag-aaralan ng DOH

SA pagdinig sa Kamara kaugnay sa vaccination program ng pamahalaan ay binanggit ng Department of Health ang posibilidad ng pagsasagawa ng house-to-house na pamamahagi ng COVID-19 vaccine.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, pinag-aaralan nila ang “house to house inoculation” para sa mga mas delikadong mahawaan ng COVID-19 gaya ng senior citizens.

Target aniya ng mga itatalagang vaccination team na makapagbakuna ng at least 100 pasyente sa isang araw.

Plano rin ng DOH na makipag-ugnayan sa Department of Education para naman sa paglalagay ng vaccination sites sa mga public elementary school.

Nais raw kasi ng kagawaran na magkaroon ng maraming vaccination sites na accessible sa lahat.

Nakikipag-ugnayan na rin ang DOH sa Department of Information and Communications Technology para sa digitalization ng sistema mula sa master listing, pre-registration, at reporting ng mga posibleng side effects ng bakuna.

Samantala, abala ang Inter-Agency Task Force sa paghahanda para sa partial roll out ng bakuna ngayong Nobyembre.

Pero hanggang sa ngayon ay wala pang matukoy ang kagawaran kung anong bakuna ang gagamitin.

Sa ngayon, ang Pfizer vaccine pa lamang ang may Emergency Use Authorization o EUA sa bansa.

Pero tanong ng ilang kongresista, bakit raw marami ang side effects ng bakuna ng Pfizer?

Pending naman ang EUA application ng AstraZeneca, Gamaleya para sa Sputnic V vaccine at Sinovac ng China.

Ayon naman sa DOH, nasa 18% na lamang ng global supply ng bakuna ang natitira na pinag-aagawan ngayon ng bawat bansa.

Samantala, nabanggit naman sa hearing ang bakuna ng Sinopharm na unang ginamit ng Chinese government sa mga residente nito.

Nakarating kay dating Health Secretary Janette Garin na naunang nagkaroon ng permit for commercial use ang Sinopharm sa China.

Sinasabi na ang Sinopharm ang bakunang itinurok sa ilang miyembro ng Presidential Security Group.

Ayon naman sa MKG Universal Drugs Trading Corp., naghihintay nalamang sila sa approval ng kanilang EUA application.

Ang Chinese Government ang mag-aaplay ng EUA sa pamahalaan dahil gawa ng isang state-owned company ng China ang bakuna.

Ang MKG ang sole distributor ng sinopharm vaccine sa bansa.

MKG is waiting for the application of EUA to the FDA by Sinopharm as the vaccine is produced by a state-owned company in China,” ayon sa MKG Universal Drugs Trading Corp.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.