IPAGPAPATULOY ng House Tri-Committee ang ikalawang pagdinig hinggil sa online disinformation at fake news sa Martes, Pebrero 18, 2025.
Kabilang sa mga inaasahang dadalo ang mga media personalities at vloggers na hindi tumanggap ng imbitasyon ng komite sa unang pagdinig noong Pebrero 4.
Matatandaang mula sa 40 personalidad na inimbitahan, tatlo lamang ang dumalo sa naturang pagdinig.
Kaugnay nito, naglabas ang komite ng show-cause order laban sa mga hindi sumipot. Matatandaan din na dumulog ang mga inimbitahang vloggers at media personalities sa Korte Suprema upang kuwestiyunin ang naturang ‘fake news’ probe at humiling ng Temporary Restraining Order (TRO) para sa agarang pagpapatigil sa imbestigasyon ng Kamara.
Ayon sa kanila, ang naturang pagdinig ng Kamara ay paglabag sa kanilang karapatan sa malayang pamamahayag, freedom of expression, at freedom of the press.