Hugpong Para kay Sara (HPS), hahayaan na magdesisyon si Mayor Inday Sara para sa 2022

Hugpong Para kay Sara (HPS), hahayaan na magdesisyon si Mayor Inday Sara para sa 2022

HAHAYAAN na magdesisyon na tumakbo sa pagkapangulo sa 2022 si Mayor Inday Sara Duterte ayon sa mga taga suporta nito sa Hugpong Para kay Sara (HPS).

Umaasa parin ang Hugpong Para kay Sara na makapag-desisyon si Mayor Inday na tumakbo ito bilang pangulo ng bansa sa darating na 2022 elections.

Ayon kay Bagong Henerasyon partylist Representative at HPS Secretary General Bernadette Herrera sa panayam ng SMNI, sinabayan na rin nila ito ng mas pinalakas na pagsuporta kay Mayor Inday lalo pa’t batay sa isinagawang survey ng pulse asia, makikitang sya talaga ang gusto ng bayan.

Hindi naman anila kukulitin si Mayor Inday na tumakbo at mas mabuting hahayaan na magdesisyon ito sa pagtakbo sa 2022 elections dahil magsasabi naman umano ito kung ano ang kanyang desisyon.

“We give her time, ayaw namin syang kulitin ng kulitin. Ang dami po kasi talagang urging her to run considering ang dami nang nagdeclare pero kaming lahat ayaw naming bitawan na si Mayor Sara sana ang magdesisyon tumakbo bilang pangulo,”ayon kay Bernadette Herrera.

Muli namang umaasa ang Hugpong Para kay Sara (HPS) ayon kay Herrera na pagbibigyan sana ni Pangulong Rodrigo Duterte si Mayor Inday Sara na tatakbo sa darating na May 2022 elections para maipagpatuloy ang kanyang magagandang mga proyekto sa bansa.

SMNI NEWS