Hugpong Para kay Sara, inilunsad para himukin si Davao Mayor Sara na mag-presidente sa 2022

Hugpong Para kay Sara, inilunsad para himukin si Davao Mayor Sara na mag-presidente sa 2022

ISANG bagong tayong grupo ang inilunsad ngayong araw na layong himukin na tumakbo sa 2022 presidential race si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, ang Hugpong Para kay Sara (HPS).

Ang Hugpong Para kay Sara citizens movement ay binubuo ng mga pulitiko, negosyante, mga mamamayan at multi-sectoral groups na suportado ang pagtakbong pangulo ng Presidential Daughter.

“Ano ba ang misyon ng HPS? Simple lang. Una, siguruhin kay Mayor Sara ang more than 100% nating suporta sa kanya. Bibigyan ng HPS ng matibay na sandalan si Mayor Sara in making one of the most difficult decisions in her political life,” pahayag ni Deputy Speaker Bernadette Herrera, spokesperson ng Hugpng Para kay Sara.

“HPS, together with its supporters from all over the world pledge to be loyal and stand behind Mayor Sara throughout her political journey. Ibibigay nito ang lahat ng klase ng suporta para mas lalong tumaas ang kanyang kumpiyansang tumakbo sa 2022 elections.”

“Pangalawa, mag-organisa para mangalap ng mga bagong miyembro sa loob at labas ng ating bansa na bubuo sa mga HPS chapters na nangangakong magiging tapat at sasamahan si Mayor Sara sa patuloy na paglalakbay niya sa larangan ng pulitika.

“At pangatlo, ang tuloy-tuloy na pagsasagawa ng malawakang konsultasyon sa iba’t ibang sektor ng ating lipunan para makuha ang pulso ng taumbayan na siyang magiging basehan sa pagsasagawa ng isang plano o blueprint para matugunan ng maayos ang mga social economic issues gaya ng economic recovery plan, unemployment, patuloy na COVID response ang issue ng ating kalusugan, issue ng kahirapan, estado ng edukasyon, at patuloy na laban sa droga, EJK at human rights, peace talks, international relations, climate change, disaster preparedness and resilience, OFW issues and relations, ancestral domain and IP rights at syempre women empowerment.”

Nagkaroon naman ng virtual oath taking ang nasa 15,000 miyembro at opisyal ng HPS sa buong bansa.

Nauna nang tumanggi si Mayor Sara sa presidential race dahil sa pagtanggap ng kanyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte sa nominasyon ng PDP-Laban para tumakbo naman itong Vice-President sa 2022.

BASAHIN: Mayor Sara Duterte, hindi na tatakbo bilang Pangulo ng bansa

Sinabi naman ni dating Gobernador Anthony del Rosario na mahalaga na maipakita kay Mayor Sara na gusto ng mga Pilipinong tumakbo siya sa 2022

“Sa aking pagkakilala kay Mayor Sara, ang importante ho dito for her to reconsider her decision to run is really for her to see the sincere support from people. I think that’s one of the major factors that she’s probably looking at. To see kung talaga nga bang gusto siyang patakbuhin ng taumbayan no. And we hope to be able to show her that through Hugpong Para kay Sara,” pahayag ni Del Rosario.

Umaasa naman si Del Rosario na sana ay mahimok si Pangulong Duterte na iurong ang kanyang plano sa 2022.

“Through this organization, through it’s membership no pagdumami nang dumami itong membership namin, as of the moment almost 10K na po ang members natin sa Hugpong Para kay Sara no this is all over the country. And we expect that more members will join especially after today’s launching no? And through this organization, through the members, we hope we will be able to convince the president to reconsider his plans for 2022,” ayon kay Del Rosario.

Mayor Sara, nagpasalamat sa tiwala at suporta ng HPS sa kanya

Nagpasalamat naman si Mayor Sara sa tiwala at suporta ng HPS sa kanya ayon sa tagapagsalita nito na si Liloan, Cebu Mayor Christina Frasco.

“Mayor Sara Duterte would like to thank everyone from all over the Philippines and around the world who have continued to express their strong support and deep trust for her,” ayon kay Mayor Frasco.

Nanawagan rin ang mayor ng Dabaw sa lahat ng Pinoy na patuloy sa pagsulong at pagbangon sa gitna ng pandemya.

 

SMNI NEWS