Huling dalawang debates ng COMELEC, hindi na itutuloy

Huling dalawang debates ng COMELEC, hindi na itutuloy

HINDI na matutuloy ang vice presidential and presidential town hall debates ng Commission on Elections (COMELEC) na nakatakda sa Abril 30 at Mayo 1.

Ito ay bunsod ng “inevitable scheduling conflicts” ng mga kandidato.

Sa halip, magsasagawa ang COMELEC ng single candidate/team-panel interview format na tatawaging “COMELEC-KBP Pilipinas Forum 2022.”

Ayon kay COMELEC Commissionaire George Garcia, ipapalabas ang interview mula Mayo 2 hanggang Mayo 6.

Matatandaang iniurong ng COMELEC ang huling debates sa nasabing mga petsa matapos mabigo ang kanilang contractor na Vote Pilipinas na bayaran ang P14 milyong utang nito sa venue partner na Sofitel.

Samantala, idinagdag sa listahan ng lugar sa ilalim ng kontrol ng COMELEC ang dalawang bayan ng Lanao del Norte.

Ito ang inihayag ni Philippine National Police (PNP) BGeneral Dionardo Carlos.

Ani Carlos, aabot na sa 105 na mga bayan at 15 syudad ang itinuturing na election areas of concern sa ilalim ng pinaka-mataas na ‘red category’.

Dagdag pa ni Carlos, naghahanda na rin sila ng karagdagang puwersa na ilalagay sa mga lugar na ito.

Bukod pa rito, magkakaroon din ng replacement ng mga tauhan upang manatiling balanse at non-partisan ang PNP.

Sa ngayon, nag-deploy na rin ang PNP ng Regional Special Operations Task Group sa 115 areas na posibleng ituring bilang election areas of concern.

Tiniyak din ni Carlos ang publiko na handa na ang PNP sa May 9 general elections.

Follow SMNI News on Twitter