INI-enganyo ng organizers ng Mutya ng Pilipinas ang publiko na sumali o mag-apply na para sa muling pagbabalik ng beauty pageant.
Ang final screening ay hanggang Nobyembre 20 na lang sa Citadines Bay City sa Pasay City kung saan maaaring mag pa-register ang mga aplikante mula Metro Manila, Luzon, Visayas at Mindanao.
Muling ipinaalala ng management na ang mga aplikante ay dapat nasa pagitan ng 18-25 taong gulang.
Mas maganda rin kung nakapagtapos na ito ng high school, hindi pa nagpakasal, at hindi pa nagkaroon ng anak.
Ang mga interesado ring aplikante ay kailangang magdala ng accomplished copy ng application form, iba pang documentary requirements na naka-post sa official Facebook page ng Mutya ng Pilipinas, isang cocktail dress at swimsuit na may scarf bilang pantakip.