DAHIL sa mahigpit na pagbabantay ng Philippine National Police (PNP) ay naging mapayapa at ligtas ang huling SONA ni Pangulong Duterte.
Sa mga naging ulat sa bayan ni Pangulong Rodrigo Duterte itong pang-anim ang napakahalaga sa lahat.
Kaya pinaghandaang mabuti ng Philippine National Police (PNP) itong huling SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Idineploy na ang 15,000 na mga pulis alas 4:00 ng madaling araw sa buong Metro Manila kasama na ang mga Force Multiplier at Support Unit ng iba’t ibang ahensya para maging mapayapa at ligtas ang buong Kamaynilaan.
Nabuo din ang Manila shield na tumutok hindi lang sa anti-criminality at anti-terrorisms kundi pati na rin sa pagpapatupad ng health protocols.
Nag-ikot din sa National Capital Region (NCR) ang Police Office Chief at Commander ng STF SONA na si PMaj Gen. Vicente Danao Jr. sa lahat ng mga Security Sub Task Group (SSTG) para matiyak na maayos at epektibo ang ginagawang pagbabantay ng mga kapulisan.
Sa pag-iikot ng heneral nakita nito na walang problema at secured ang buong Kamaynilaan.
Matatandaan na noong Hulyo 21 ay nagtipon ang lahat ng commanding officers at unit ng buong NCRPO sa Quezon City Police District sa pangunguna ni PGen Guillermo Eleazar para paghandaan ang SONA ng Pangulo.
Nagkaroon naman ng hindi pagkakaintindihan sa pagitan ng mga pulis at ralihista dahil ang nais ng mga demonstrator na sakupin ang buong linya ng Commonwealth.