PANTAWID Pamilyang Pilipino Program (4Ps), Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS), Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP), Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD).
Ito ang mga salitang umaalingawngaw ngayon lalo pa’t nalalapit na naman ang midterm elections.
Ayon sa pamahalaan, paraan ang mga ito para maibsan o matulungan ang ating mga kababayan sa kanilang dinaranas na hirap.
Pero ang tanong ngayon, nakatulong nga ba ang mga ito para maiahon sa hirap ang ating mga kababayan?
Totoong solusyon nga ba ito sa lumalalang kahirapan sa bansa? O nagiging dahilan na lamang ito para palagi na lang umasa sa pamahalaan ang ating mga kababayan?
Mas pinapaboran ng Arangkada Pilipino PL ang skills training kaysa sa pansamantalang ayuda
Sa gitna ng mga katanungang ito’y may tugon dito ang 1st nominee ng Arangkada Party-List na si John Bertiz na siya ring undersecretary ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA). Aniya, tungkulin ng ahensiya na mapalago ang kapasidad o kakayahan ng isang indibidwal.
Ipinunto ni Bertiz, kung palagi na lamang aasa ang mga Pilipino sa mga ipinamumudmod na ayuda ng gobyerno o ang mga pansamantalang lunas ay hindi lalago ang pamumuhay o kalagayan ng mga Pilipino.
“Bigyan ko po kayo ng example ‘yung AKAP ‘yung TUPAD kesa po nagwawalis ang ating mga kababayan sa mga LGU at ginagamit po sa election ng mga incumbent ng ating mga kandidato dahil walis-walis lang ‘yan. Na-develop ba ang kanyang kaalaman? Nagkaroon ba siya ng bagong skill, meron ba nakaabang na trabaho after na gawin niya ‘yung TUPAD na ‘yun?” saad ni John Bertiz, 1st nominee, Arangkada Pilipino Party-List.
Kaya naman ipinaliwanag din niya kung bakit napakahalaga na ang isang indibidwal ay mabigyan ng sapat na training o sapat na kaalaman sa paggawa.
“Pagka ang isang estudyante binigyan natin ng full scholarship for example sa A.I. artificial intelligence o ‘yung mga industrial automation ibig sabihin nagde-develop ka namumuhunan ka sa isang skilled worker. Pagka ‘yan ay binigyan mo ng allowance equivalent na or at least 75% man lang ng minimum wage salary ng bawat region natin meron ka ng tinitrain meron ka pang pinapasahod so kasamang iikot sa kinikitang estudyante na ito ang pag-ikot ng ekonomiya.”
“Magkakaroon na siya ng buying power, magbabayad na siya ng tamang buwis sa gobyerno at sa ayuda po kasi walang balik sa gobyerno, ibig sabihin nagde-develop tayo ng umaasa lang sa atin pero ‘yan once na maka-graduate ‘yan just because of enterprise-based and employment training framework automatic po ‘yan meron siyang mapupuntahan industriya kasi,” giit ni Bertiz.
Isa sa mga isinusulong ng Arangkada Party-list sa tulong ng TESDA ay ang pagbibigay ng training sa mga Pilipino para sila’y magkaroon ng trabaho sa lahat ng aspeto ng lipunan.
Nais din nito na gawing isang departamento ang TESDA dahil marami na itong natulungan at kailangang tulungan.
Aniya, sa kabila ng milyun-milyong nakikinabang sa ahensya’y kinakapos ito ng pondo ngunit kapag ito’y naging ganap na departamento ay tutugunan nito ang pagbigay ng maraming training sa buong bansa.
At kaugnay nito, pinuri naman ni Bertiz si senatorial candidate Pastor Apollo C. Quiboloy sa isinusulong na solusyon ng butihing pastor para bigyang lunas ang kahirapan ng mamamayang Pilipino.
“Alam niyo napakaganda ng programa rin ng ating Butihing Pastor Quiboloy kasi nga nakita natin naintindihan niya po ‘yung tinatawag po nating job linkages program. Kailangan lang po talaga natin is mag-invest na magbigay tayo ng mga bagong kaalaman, kasanayan at para po sa oportunidad na makapagtrabaho,” ani Bertiz.
Matatandaang nakasentro ang mga panukala ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa direktang pagtugon sa kahirapan ng bansa, gaya na lamang ng pagbibigay ng groceries sa isang pamilya hanggang tuluyan nang magkaroon ito ng trabaho at ‘di na aasa sa ayuda ng gobyerno.