Human rights at Int’l Humanitarian Law, tinalakay ng AFP at kinatawan ng Norway

Human rights at Int’l Humanitarian Law, tinalakay ng AFP at kinatawan ng Norway

MAINIT na tinanggap ni AFP chief of staff Lieutenant General Bartolome Vicente Bacarro si Norwegian Ambassador to the Philippines Christian Halaas Lyster.

Ito ay kasabay ng introductory call ni Lyster sa AFP General Headquarters sa Camp Aguinaldo, Quezon City.

Sa kanilang pulong, tinalakay nina Bacarro at Lyster ang pagsunod ng Pilipinas at Norway sa human rights at International Humanitarian Law (IHL) sa pagtugon sa external at internal security issues.

Ipinaabot din ni Bacarro ang kanyang pasasalamat sa Norway na ikinokunsidera ang bansa bilang isa sa mga prayoridad nito pagdating sa kooperasyon sa kababaihan, kapayapaan, at seguridad.

Nabatid na sinusuportahan ng Norway ang AFP sa Bangsamoro Peace Process mula 2010, kung saan naging miyembro ito ng International Monitoring Team (IMT) sa ceasefire operations sa pagitan ng MILF at gobyerno.

Nagsilbi rin itong vice chair ng Independent Decommissioning Body (IDB) na nangangasiwa sa decommissioning ng pwersa at armas ng MILF.

 

Follow SMNI News on Twitter