Humanitarian aid trucks na pumasok sa Gaza, halos 900 na—UN

Humanitarian aid trucks na pumasok sa Gaza, halos 900 na—UN

HALOS 900 (897) na humanitarian aid trucks na ang pumasok sa Gaza Strip hanggang nitong Martes, Enero 22, 2025.

Ayon ito sa United Nations Office Coordination of Human Affairs batay na rin sa kanilang natanggap na impormasyon mula sa Israel maging sa Estados Unidos, Egypt, at Qatar o ang guarantors ng ipinapatupad na ceasefire sa Gaza.

Maliban sa pagdadala ng pagkain, ilan pa sa prayoridad ng dadalhing humanitarian assistance sa Gaza ay ang pagbubukas muli ng mga bakery, pagbibigay ng healthcare access, pagsasaayos ng water networks at iba pa.

Nag-umpisa ang ceasefire agreement sa Gaza noong Enero 19.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble