TATAGAL ang humanitarian response ng ilang buwan sa matinding lindol na yumanig sa Turkiye at Syria ayon sa isang international medical humanitarian organization.
Ayon kay Director for Southeast Asia and Pacific for Doctors Without Border na si Paul McPhun, tatagal ang humanitarian response sa mga lugar na niyanig ng lindol dahil sa hindi short-term o saglitan ang naging impact nito.
Dagdag pa nito, dagdag-pahirap pa ang paghahatid ng tulong dahil sa mga nasirang kalsada maging ang security concern dahil sa hindi madaling kumilos sa rehiyon.
Sinabi rin ni McPhun na higit na mababa na ang tyansang makakita pa ng survivor dahil sa lumagpas na sa 72 hour mark ang nangyaring paglindol.
Sa ngayon ay lumagpas na sa higit 21,000 ang bilang ng mga nasawi mula sa parehong Turkiye at Syria dahil sa magnitude 7.8 na lindol.