Huobi Digital Exchange, magsasara na sa Thailand sa Hulyo 1

Huobi Digital Exchange, magsasara na sa Thailand sa Hulyo 1

ITITIGIL na ang operasyon ng Huobi Digital Exchange sa Thailand mula Hulyo 1 na naka-base sa Seychelles.

Mula Hulyo 1 ay wala ng operasyon ang nasabing digital currency exchange sa Thailand at inaabisuhan na ang mga kustomer nito na mag-withdraw ng kanilang digital assets mula sa platform bago ang kanilang deadline.

Ang shutdown ay kasunod ng desisyon ng Thailand Securities and Exchange Commission na i-revoke ang exchange license nito mula noong nakaraang Setyembre.

Ayon sa digital exchange, matagal na nilang kino-contact ang kanilang mga kliyente na mag-withdraw ng pondo simula noong Setyembre.

Matatandaan na unang nagka-lisensya ang Huobi sa Thailand noong 2019 at nagsimula sa operasyon noong 2020.

Matapos ang imbestigasyon noong 2021, inihayag ng Thai Security Regulator na mayroong mga irreparable regulatory breaches ang nasabing digital currency exchange.

Follow SMNI NEWS in Twitter