Hustisya para sa SAF 44, ipinanawagan sa paggunita ng Masasapano encounter

HUSTISYA ang sigaw ni Duterte Youth Party-list Representative Ducielle Cardema para sa mga namayapang miyembro ng PNP-Special Action Force (SAF 44) na nasawi sa isang engkwentro sa pagitan ng mga MILF Fighters sa barangay ng Tukanalipao sa bayan ng Mamasapano Maguindanao.

Kilala ng marami bilang mga bayani- ang SAF 44 ay naubos sa isang malagim na engkuwentro noong January 25, 2015.

Ngayong araw ang ikaanim na National Day of Remembrance para sa mga nasawing pulis na matagumpay na napaslang ang Malaysian bomb expert na si Zulkipli Abhir o alyas Marwan.

Ngayong araw rin ay binigyang pugay ang mga nasawing bayani sa isang wreath laying ceremony sa Camp Bagong Diwa.

Subalit sa kabila ng pagkilala, tanong ni Cardema kung nasaan na ang hustisya para sa mga ito?

Giit ng kongresista, hindi pwedeng hanggang komemorasyon lamang ang magagawa ng pamahalaan dahil dapat hustisya ang igawad.

Tanong ng kongresista- Nasaan na raw ang mga tinawag ang mga palpak na opisyal na naging dahilan umano para maubos sa engkuwentro ang SAF Troopers?

“Nasaan na ang mga palpak na high government officials noon na hinayaan ang mga kalaban na ubusin buong araw isa-isa ang ating mga government troops?” ayon kay Cardema.

Nagparinig naman si Cardema kay dating Pangulong Noynoy Aquino na siya umanong may command responsibility sa insidente?

Giit ni Cardema, may partisipasyon ang dating pangulo sa sinapit ng SAF44 bilang noo’y commander in chief.

“Alam na ng buong bansa ang nangyari, may participation ang dating Pangulo at inatasan niya ang kanyang trusted ngunit suspended PNP Chief na magmando sa operation, di daw alam ng kanyang DILG Secretary ang buong pangyayari, di rin nila ininform ang acting PNP Chief that time,” ani Cardema.

Diin pa ng Vice-Chairman ng House Committee on National Defense na dapat mahanap ang mga pumatay sa SAF 44 at  mapanagot ang mga opisyal na nagkulang.

Parte ng hustisya na dapat mahanap ang mga pumatay sa kanila at dapat managot kung sino mang matataas sa gobyerno noon ang naging palpak at indecisive, kaya na-massacre ang ating government troops,” aniya pa.

Larawan ng bagong SAFF 44 bridge sa Maguindanao, nagviral

Samantala, viral ngayon sa social media ang dating tulay na kahoy sa barangay Tukanalipao kung saan naganap ang engkwentro, pinasemento ng Duterte Administration.

Sa Tweet ng Philippine Insider, makikita ang sementadong tulay na bagong gawa.

Bilang pagpupugay sa mga nasawing bayani, pinangalanan ang tulay bilang “SAF 44 Bridge.”

SMNI NEWS