Hustisya sa mga nasawing pulis sa Maguindanao, tiniyak ng PNP chief

Hustisya sa mga nasawing pulis sa Maguindanao, tiniyak ng PNP chief

TINIYAK ni PNP chief Police General Rodolfo Azurin, Jr. ang hustisya para sa mga kaanak nina Ampatuan Municipal Police Station chief Police Lieutenant Reynaldo Samson at Police Corporal Salipuden Talipasan Endab.

Ang dalawa ay nasawi sa pagsisilbi sana ng warrant of arrest sa isang notoryus na indibidwal nang tambangan sa Barangay Kapinpilan kaninang umaga.

Habang nasugatan naman ang tatlo pang pulis.

Naniniwala si Police Brigadier General John Gano Guyguyon, regional director ng PRO Bangsamoro na posibleng natunugan o mayroong nag-leak sa operasyon ng grupo ni Samson kaya napaghandaan sila ng armadong kalalakihan.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang hot pursuit operations ng pulisya sa mga salarin.

Follow SMNI NEWS in Twitter