Hypersonic missile ng China, nakatutok na sa Pilipinas—Sen. Imee

Hypersonic missile ng China, nakatutok na sa Pilipinas—Sen. Imee

HANDA ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na makipag-ugnayan kay Senator Imee Marcos matapos na ipinahayag ng senadora ang kanyang pagkabahala kaugnay sa nakaumang na umanong hypersonic missile ng China at target nito ang 25 lugar dito sa Pilipinas.

Sa isang video, sinabi ng senadora na natatakot siya sa nakuhang impormasyon dahil ang hypersonic missile ay isang advanced na gamit pandigma.

“Eh natatakot talaga ako habang umiinit diyan sa West Philippine Sea may nakita ako na plano ng China na gagamitin yung hypersonic missile hindi naman nila iniisip na lulusob dito sa Pilipinas yung katakot-takot na army nila mga navy nila hindi ganun ang plano air at ang plano yung hypersonic missile at nakatakda na yung 25 na target nila,” ayon kay Sen. Imee Marcos.

Aniya sa sobrang advanced nito – maging ang Amerika ay aminado na hindi nila ito kayang pigilan.

“Ang sabi ng US hindi daw nila kaya labanan yung hypersonic missile mas lalo ako ninerbyos kasi akala ko kapag missile mayroon yung ibang bansa yung tinatawag na iron dome hindi makapasok yung missile kapag hypersonic daw kayang-kaya pumasok ganyan lang kadali durog daw,” saad nito.

Dagdag pa ng senadora na uunahin umano ng China ang mga lugar kung saan naroon ang base militar ng Amerika.

“Aminin natin na ang problema talaga dahil sa tingin ng China talagang kumampi na tayo sa kalaban nila nagbigay tayo ng 17 base militar sa pakiwari nila yung EDCA sites,” ayon nito.

“Sa pagbabasa natin may mga Brahmos missile na sa Batanes pati sa Subic so yung dalawang yun ang uunahin kasama na ang Ilocos kasi may mga live fire na Balikatan nakakatakot nga eh 25 ha hindi biro-biro yun,” dagdag nito.

Kaugnay nito sinabi ni Col. Francel Margareth Padilla tagapagsalita ng AFP na seryoso ang naging pahayag ng senadora.

“Regarding Senator Imee Marcos’ statement about 25 areas potentially targeted by China’s hypersonic missiles due to EDCA (Enhanced Defense Cooperation Agreement) sites and the West Philippine Sea scenario, the AFP takes such concerns seriously,’’ ayon kay Col. Francel Margareth Padilla Spokesperson, AFP.

At handa aniya silang makipag-ugnayan sa senador para masiguro umano ang kaligtasan ng bansa.

‘’We are ready to coordinate with Senator Marcos to obtain details and take appropriate actions to ensure our nation’s security,” saad nito.

Ang naturang hakbang umano ng China ay dahil sa pagpayag ng Pilipinas sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble