Hyun Bin, magla-landing sa Pilipinas ngayong August

Hyun Bin, magla-landing sa Pilipinas ngayong August

MULA sa concert update ng powerhouse singer, now, the long wait is over dahil pakikiligin naman kayo ng crash landing on you star na si Hyun Bin, sa upcoming meet and greet niya with his fans sa Pilipinas ngayong August 8, 2025.

Maaaring ma-avail ang experience with your favorite star sa pamamagitan ng two thousand worth of single receipt sa alinmang dining outlet sa Solaire Resort Entertainment City o kaya sa Solaire Resort North. At makakakuha ng raffle ticket para sa isang once in a lifetime experience with Hyun Bin.

Nag-debut ang aktor taong 2023 kasabay ng kanyang debut film na Bodyguard. Hanggang sa napanood pa sa iba’t ibang pelikula na siyang nagpasikat at rason kung bakit siya mas nakilala hindi lang sa South Korea kundi sa buong mundo.

Nakatanggap din siya ng nominations sa Baeksang Arts Awards at nakuha ang grand prize for television.

Bukas naman ang paghulog ng raffle tickets simula kahapon July 1 hanggang July 31. Kaya ‘wag magpahuli at baka sa’yo na next la-landing ang South Korean star na si Hyun Bin.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble