NAGBIGAY ng donasyon sa Samsung Seoul hospital ang Stray Kids member na si Hyunjin nitong Marso 20, 2025.
Sa anunsiyo, nasa ₩100M Korean won o $68,100 US dollars ang ibinigay ng dancer-rapper.
Paraan niya ito para ipagdiriwang ang kaniyang ika-25th birthday ngayong taon.
Bilang pasasalamat na rin ito sa natanggap niyang pagmamahal mula sa fans.
Ang donasyon ng K-pop artist ay gagamitin upang tustusan ang gastusing medikal ng mga batang pasyente at suportahan ang mga programang makatutulong sa kanilang mental health.
Noong taong 2023 ay nagbigay na rin si Hyunjin ng donasyon sa The Promise, isang international relief organization na sumusuporta sa Turkiye at Syria.
Taong 2024 naman ay nagbigay siya sa The Snail of Love, isang organisasyong sumusuporta sa mga may kapansanan sa pandinig.
Follow SMNI News on Rumble