I-ACT at PCG, nagsagawa ng anti-colorum operations; 87 driver, sapul

I-ACT at PCG, nagsagawa ng anti-colorum operations; 87 driver, sapul

NASAMPULAN ng mga operatiba ng Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT) at Philippine Coast Guard (PCG) ang mahigit 87 drayber sa kanilang magkasunod na operasyon ng anti-colorum operations sa Kalakhang Maynila at sa palibot ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

2 colorum vans din ang nahuli nang tinatayang bumibiyahe papasok ng Maynila mula sa Cavite, Laguna at Rizal.

Habang ilang mga PUVs din ang nahuli dahil sa patuloy na paggamit at pagbiyahe ng mga hindi na-kondisyon na mga sasakyan.

Natiketan na ang nasabing mga violators kasama ang ilang mga lumabag sa RA 4136 tulad ng disregarding traffic signs at maling pagsakay at pagbaba sa labas ng mga terminal.

Muli namang tiniyak ng Philippine Task Force na patuloy ang pagpapaigting at pagpapatupad nito ng batas trapiko upang mapanatili ang kaligtasan ng lahat ng road-users.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter