TINIYAK ng Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT) ang seguridad sa kalsada ngayong holiday season.
Sa isang pahayag, sinabi ni I-ACT chief Charlie del Rosario, mas magpapakalat pa sila ng tauhan partikular na sa EDSA busway.
Ito ay kasunod na rin sa ipatutupad na 24-oras na operasyon ng ‘Libreng Sakay’ simula Disyembre 1.
Magiging katuwang din sa pagtugon sa kaligtasan ng mga pasahero ngayong Christmas season ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.
Kabilang ang Philippine Coast Guard, LTFRB, MMDA at Highway Patrol Group.