IAEA, walang matibay na ebidensya na may nuclear weapons ang Iran

IAEA, walang matibay na ebidensya na may nuclear weapons ang Iran

MATATANDAAN na sinabi ng IAEA, na wala silang matibay na ebidensya na may aktibong paggawa ng nuclear weapons sa Iran.

Nilinaw rin na ang Iran ay bahagi ng Nuclear Non-Proliferation Treaty (NPT), habang ang Israel ay hindi kasali sa kasunduang ito.

Ang NPT ay isang kasunduan kung saan nangako ang mga kasaping bansa na hindi sila gagamit ng nuclear technology para sa paggawa ng armas.

Sa ngayon, suspendido na ang kooperasyon ng Iran at ng IAEA, alinsunod sa batas na inaprubahan ng Iranian Parliament noong nakaraang linggo.

Ayon pa sa Iran, magpapatuloy ang kanilang mapayapang nuclear program at mas bibilis pa ang pagpapatupad nito, habang hindi pa naibabalik sa dati ang seguridad ng kanilang mga pasilidad.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble